Ang pagkikipagkaibigan ay hindi lamang nagtatapos sa loob ng klase, minsan pati saloob ng bahay.
Wednesday, September 1, 2010
BUHAY KAIBIGAN
Ang kaibigan ay isang uri ng tao na maaari mong hingian ng tulong sa oras ng pangangailangan. Ito ang isa sa mga kahulugan ng salitang kaibigan na para sa akin ay itinuturing kong aking mga kapamilya. Andyan si tatay, nanay, kuya, ate, at bunso sampu ng lahat ng miyembro ng ating angkan, malayo man sila o malapit.
Sa aking paglaki, ako'y namulat na hindi lang pala sila ang pwede kong ituring na kaibigan. Nagsimula akong makihalubilo nung ako'y bata pa at natutong makipaglaro sa mga bata sa aking paligid. Sila din pala ay pwede kong maging kaibigan turin ko sa aking sarili dahil lagi kaming masaya, minsan nagkakatampuhan dahil sa simpleng agawan ng gustong laruan, kung sino ang magigigng nanay o ate sa bahay-bahayan pero bago pa man matapos ang araw ay nagkakabati dn agad.
Dumami pa ng dumami ang aking mga kaibigan simula ng ako ay pumasok sa eskwelahan. Ang iba sa kanila ay naging kaibigan ko dahil sa mga pagkakaparehas namin sa ilang bagay tulad ng pagsasayaw ang iba naman ay dahil sa magaan lang talaga ang loob ko sa kanila. Kaya lang, may napapansin lang akong kakaiba at hindi ko maiwasang maikumpara noong ako ay bata pa. Kung dati may mga pagkakatampuhan na naayos din agad pero bakit ngayon hindi na ganon kadali? May mga sitwasyon na ang dati mong matalik na kaibigan ay kaaway na ang turing sa iyo ng dahil lamang sa isang bagay na hindi ninyo napagkasunduan. Nasambit ko na lang sa aking sarili na malamang ganon talaga ang buhay habang nagkakaisip, hindi tulad na bata na madaling magpatawad at umintindi. Ganon pa man, may mga kaibigan man nawawala o napapalayo meron din namang mga kaibigang lagi mong kasama at bagong nakikilalang mga kaibigan.
Meron ngang ibang tao dyan, itinuturing nilang kaibigan ang mga alaga nilang hayop. Aso, pusa o cgro kahit anung hayop na napamahal na sa kanila. Maging tao man o hayop hnd na siguro mahalaga ang importante kung saan ka sumasaya.
Ngunit meron akong isang espesyal na kaibigan. Hindi ko man siya nakikita o nakakasama palagian ko pa rin siyang kinakausap. Huwag naman sana ninyo akong husgahan na nababaliw sa kadahilanang nakikipagusap ako sa taong hindi ko nakikita. Ang tinutukoy kong kaibigan ay walang iba kundi ang Panginoon. Lagi Siyang andyan para aking kausapin, hingan ng tulong o sabihan ng aking mga problema. Hindi man Niya ako sagutin alam ko nakikinig Siya at hindi Niya ako pababayaan sa anu mang pagsubok na aking kinakaharap dahil naniniwala ako na hindi Niya ako bibigyan ng mga pagsubok na hindi ko kakayanin.
Sa mga aral na aking natutunan sa larangan ng pakikipagkaibigan, isa lang ang aking maipapayo. Ito ay pangalagaan natin ang mga taong ito, mga taong naging parte ng ating buhay sa panahong tayo'y masaya at lalong lalo na sa mga panahong nalulugmok tayo dahil hindi nila tayo iniwanan kundi ay tinulungan tayo sa abot ng kanilang makakaya. minsan sapat na ring wla silang gingawa malamn lang nating lagi lang silang andyan para sa atin.
Para sa mga kaibigan ko simula pa ng ako'y bata at maging hanggang sa ngayon..MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT!!! Nawa ay patuloy pa ang ating magandang relasyon sa isa't isa sa mahaba pang panahon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment